Monday, August 5, 2013

Awake

Anong petsa na? Gising pa ako. Tsk. Kasi naman kung bakit uminom nanaman ako ng kape ng ikea. Haissst. 

Altho nabuo ko yung open closet na binili ko. With one tiny mistake.... Yung kabitan ng gulong nasa ibabaw wehehehe. 

Anyway, try ko na matulog ulet. Good night world.

Saturday, April 13, 2013

blah #15

meron akong dalawang kaibigan. mga broken hearted. pero kung titignan mo sila, hindi naman halata. galing lang magdala. hanggang shindi ko alam kung sinasabi lang nila na ok lang sila hanggang sa paniwalaan na nila ito o hanggang sa totoo na pala. in short, hindi sila drama queens! :) wanna know their numbers?! nyahahaha.

lately nahihilig ako sa lipstick. nahawa ako kay fren leonajane at dun sa dalawang baliw na nabanggit ko kanina. at shempre pa ang peyborit color ko ay pink!!! ;)

at shempre pa home alone nanaman ako. so blogging while music trippin, full blast volume on! yey! ;)

gumagana ba ang sims sa bagong os ng mac? miss ko na ang game na iyon eh. 

Sunday, April 7, 2013

home alone minsan ;)

pag gising ko pa lang, ang tahimik na ng bahay. hmmm... vaket?! si serg i think tulog pa. kasi nag GZ yun eh. u know, workaholic. so ako naman hayun chill lang. gang sa nagtext si santino. mubi daw kami! yey! so nag gi joe kami. sa buong pag aakala kong ang bida don ay si papa channing. subalit noooo. wala pa sa kalagitnaan ng story ay tsinugi na nila ever si kras. :( hanggang sa huli inaabangan ko syang lumabas. eto naman si santino ang sabi kasi wala daw butt exposure so pinatay na lang sya. naman! 
pag uwi ko... wala pa ding tao! pati si serg wala na din. oh well! sound trip it is! ng todo volume! woohooo! :)
kaso anjan na sina tita ngayon. so hayun back to mellow soft sounds again. tsk.

Friday, March 8, 2013

update lang ng slight

mabuti na lang friday na ngayon. weekend na bukas yahoo. antoks na ko pero ayaw ko pa matulog. pahinga muna konti. naglinis ako ng konti ng room eh saka ng banyo saka naglaba ng damit at kubre kama. katulong lang ang peg? wehehehe... sabi kasi ni housemate dadalaw daw ang may ari ng house namin sa sabado. e wala ako non. saka later tonight to help clean. so ayun. kanina ko na lang ginawa. pero pulos slight lang. ndi pa sya bonggang linis. eh kasi... pagod na ko eh. at ngayon naisipan ko lang magblog. wala lang. trips lang.

kukunin ko na bago kong employment pass bukas! yey. sana irenew pa ko ulet sa april. para tuloy pa ang kabuhayan showcase.

sige next time na lang ulet. antok na ko tlaga. gnyt. ingats ka lagi.

Monday, January 28, 2013

HB to my ching :)

3 taon ko nang hindi ka nakakasama tuwing birthday mo. bakit kasi natataon na kababalik ko lang dito tapos bday mo na agad.

mahabang mahaba pa, ching. mahabang mahaba pang panahon para makasama ka ang bongga kong wish. hehehe ako daw ang nagwish?

maligayang pagtanda sayo ching ko! i love you always. mwah.

Sunday, January 27, 2013

what happens in half a day....

nagising pa. check. salamat lord.

nagbreakfast. kape. tasty at butter. check. yum.

tinakot si ching na kapag ndi nya ko iniskype magwewelga ako dito. ilang linggo na nya akong hindi sinisipot sa skype! saka birthday nya bukas! :)  ty-eight na sya! :) sooooo ayun nga nag skype na kami. check ulet. :)

pagkatapos tumungo ng kusina para magluto ng paborito ko. menudo. check. yey.

tinanong si sergie kung gusto nya kumain. (diet kasi yon forever.) oo daw. so dagdag sa sinaing. check.

kumain ng tanghalian ng bonggang bongga. cokes na lang ang kulang. hehehe. check

at eto nagbablog. trips ko lang. check.

hhmmm... tinatamad na ako. kaya ako nananaba eh. batugan lang ang peg ko nito.

kailangan ko magsimba. haaay. sana macheck ko yon mamaya.

 i love sundays! ;)

Sunday, January 20, 2013

walang title eh

happy new year! ang baduy ng opening remarks ko no? hehehe bagong bago. akmang akma. tagal ko nang ndi nagbablog. nakakabato kasi mga nangyayari sa buhay ko. walang bago. 

binasa ko nga mga year end eklavoo ng ibang bloggers eh napagtanto ko na parang walang wenta ang 2012 ko. tsk. di bale na. may bukas pa naman. 

  • gusto ko ng samsung note 2 kaso wala pa kong budget para sa kanya. ang gara lang ng itsura nya. ganda. :)
  • labs ko pa din tong laruan ko. best purchase ever pa rin hehehe
  • trips ko mga kanta ni taylor swift sa bago nyang album na red. oo na. baduyness na. hehehehe.
  • ang dami ko pa ding books na hindi nababasa. naiipon. ang dami kong books na inuumpisahan pero ndi tinatapos. tsk. bad habit. dapat tapusin na sila. tama na kakapanood ng vampire diaries! ang gwapo ni damon talaga! :)
  • tatry ko talaga. ang magsulat ulet. kwento kwento lang. baka sakali maging bongga din ako kagaya ng mga paborito kong blogista hehehehe.
  • hindi ko na peyborit na blogista si rafter hanggat hindi ko sya nakukurot. hmp. kainis.
  • miss ko na sg bloggers. sana may kita kitakits ulet.
ok. next time ulet! sana may makulit ako bukas ng may maikwento ako dito.

Tuesday, October 2, 2012

bullet

kung trips mo lang, heto na. update lang.

  • isa pa din sa pinakapaborito kong nabili itong laruan ko ngayon. hindi nakakasawa. ang dami pa ding pwedeng nakakatuwang gawin.
  • lately naglalaho ako sa mga taong kilala ko o kaibigan. malaki lang ang topak talaga. kung sinong matira, salamat. kung sinong mawala, salamat pa din. at least for a time naging bahagi ka ng buhay ko.
  • let go and let god. hindi ko pa din magawa. hindi ko ma let go. sinusubukan ko pa din. ang mag let go ha.  hindi pa naman ako napapagod. sa pagsubok ha.
  • drama queen pa din ako. turn off no? oo nga eh. haay.
  • gusto ko mapanuod ang the mistress. ang gwapo ni john lloyd eh. magadan ba sya?
  • san masarap mag lunch buffet o eat all you can sa tin jan sa pinas? suggest ka naman.

Saturday, August 25, 2012

lazy day

yes. wala akong kasama sa bahay kundi ang laruan kong ito, chips at tubig. hehehe hmmm makabili kaya ng coke sa baba para kumpleto? sabay nood ng movie sa laruan ko. wachathink? kelangan ko maget over si house hehehe so maghahanap ako ng ibang series. any suggestions?

si tito, nagpunta lp para magremit. si tita, hinatid ang anak nya sa airport. si coy naman pumasok. at shempre si sergie, ayun.. bihis lang ang pahinga lumarga na agad ulet sa labas. kahapon pa sya nasa labas. ako lang ang walang social life. tsk. nakakatamad kasi lumabas. isa pa kailangan kong magtipid. konti na lang ang kabuhayan showcase ko papaano pa ko aabot sa susunod na sweldo? tsk.

o sige na. next movie na ko. ay coke pa nga pala. bye. next entry na lang ulet.

the doctor is out... for good :(

katatapos ko lang panoodin ang last episode ng last season ng paborito kong tv series na si house. muntik na kong maluha kasi akala ko pinatay nila ang paborito kong doktor. buti na lang ganon lang talaga ka sweet si house sa best friend nyang si wilson. gusto ko talaga magkaroon ng ganoon wagas na friendship.
pero ang laki ng lungkot ko last season na pala ng house yon :( at may 2012 pa pala nag end ang season. kamusta naman ako? lahat ng fans naka get over na ako ngayon pa lang magsisimula sa proseso ng paglimot. may ganooooon?
waaaaaaa. bakit ganon ang laki ng lungkot ko? :(
promise. kokolektahin ko ang dvd ng series nya from season 1 to season 8.
nalulungkot talaga ako. :(
sana pala ndi ko na binalak tapusin ang series tonight para ndi ko na nalaman na last episode ng last season na pala ito.
o sige na. matutulog na kong luhaan.
drama ko lang.