Tuesday, May 12, 2009

si maKuLit

may makulit na virus or malware or whatever ang pc ko sa bahay at sa office. basta makulit sha. sabi ni avg, nabura na nya or naheal na nya. pero sa tuwing idudutdot ko ang usb ko... me naiuuwi akong makulit na virus or malware or whatever sa kung san man ako mapadpad na workstation. parang me sumpa na ang usb ko. parang me sumpa na din ang mga documents na pinagkakalat ko sa mga pc ng mga mababait naming kliyente.

oo alam ko sa isang it company ako nagtatrabaho. pero ibig sabihin ba non ay dapat techi person na ako!? hindi naman ako nagtotrouble shoot ng technical problems nila... pinagaganda namin ang data nila para mas magkaroon ng sense. nililinis namin ang data nila para pwede pang magamit at pagkakinabangan... hindi ko mashadong natatahak ang landas sa kung papano mawala sa buhay ko ang mga makukulit na thingie na ito. haaaay.... sakit sa bangs eh.

1 comment:

  1. me virus din sa opis namin. marami ang nawala sa desk nila. hen wan ewan ang pangalan. hay.

    ReplyDelete