Sunday, April 11, 2010

LasT dAy

noong last day ko, kinakabahan ako ng bongga. as you all know. mag KKS ako ng araw na yon. at aattend daw ng ks ko si boss friend. ang sama ko nga. ang dami kong naisip na hindi maganda. actually, isa lang naman. what if magtanong sha ng super mega hirap na tipong magnonosebleed ako at hindi ko shempre masasagot tapos ang purpose lang non ay pahiyain ako. tipong "hayan... hayan ba ang tipo ng pupunta sa sg para magwork. simpleng tanong ko hindi masagot" ganon! pang telenobela! ayos! so shempre.. hindi naman pala. umarya lang ang pagka nega ko. hindi naman sha umattend. hhehehe pero.. me isa pang balakid sa KS ko. si ram. indonesian. shet. kelangan ko daw mag english all through out my ks. no no no. hindi pwede. hehehe so nilapitan ko sha at sinabing... "why are you here? don't attend my ks! I dont like to speak in straight english. Ill be speaking taglish" hehehehe tapos sabi nya ok lang daw. hehehe. sabi ko naman "go sit beside ms o so she can traslate for you" and he did! hwehehehehe and i did speak in taglish :P last day ko. ayaw ko na mahirapang mag explain! sama ko no? sabi nila praktis daw yon. sabi ko madami akong time magpraktis pag asa sg na talga ako.

halfday lang ang ks ko. ang bilis ko kasi magkwento e. isa pa alam na nila yung alam ko. gusto lang nila ako makita talga! nyahaaha... after lunch, nakausap ko si mamajow. sas friend ulet.

************************
location: sas cafe

mj: huy nakausap ko si boss friend. inask ko kung galit pa sha sayo. sabi nya ikaw daw ang hindi pa lumalapit sa kanya e.

saM (smiling..) : ows? talga sinabi nya yan

mj: oo nga. dali pasama ka ke jlyn. kunware me itatanong si jlyn sa kanya tapos kausapin mo na.

saM: o sige.

******************
location: office ni boss friend

nagulat lang sha nung nakita nya ko. hinug ko lang sha. tapos nakita ko naiiyak na sha. shet. naiiyak na din ako. bwiset. pagtingen ko ke jlyn, umiiyak din! hahahaha. nakakahiya kami. nakahug lang ako sa kanya habang umiiyak.

:D oks na no? pwede na. ready na siguro ako.

kelangan ko na lang ng tiket! bwahahaha. bakit ba wala pa kong tiket? matagal bang ibook yon? haaaay...

positive happy thoughts. :) ill be happy. and ill be great. hehehe. wish me luck!

1 comment:

  1. yes, positive, happy thoughts all the time. tapos aral mabuti. those two principles will help you. good luck, ineng. make me proud.

    ReplyDelete