long weekend nito lang sa sg. oo. friday pa lang bum na ako. obyus ba? e hindi ba nakwento kong nagclarky ako nong thursday night diba? so friday tulog galore lang ako. at kwentuhan ever with housemates. dapat magjogging kami ni len. kaso umulan. so sa mall kami ng nagjog. hehehe. window shop saglit. tapos nung gabi, megalinis ng kwarto.
saturday? hhhmm... sleep lang ulet eh. saka nagyoga nga pala ako. at bonggang ang hihirap ng poses habang megapatak na ang pawis sa akin ng mga moment na yon. hot yoga kasi e. siyet talga. hirap na hirap akong gumawa ng poses!.. tapos.. magkikita kami ni daxiebels non. e kasi bibili kami ng gift para ke dyen. birthday nya today. sa tagal ni dax.. nakapag shopping ako :( nakabili ako ng 3 books :D (3 for 2 daw kasi e. kung ano man meaning non basta me libreng isang book natuwa na ako) so ngayon ang dami kong halfread books.
1. The book thief - marcus zusak
2. rage of angels - sidney sheldon
3. high lord - trudi canavan
4. have a little faith - mitch albom
5. memories of midnight - sidney sheldon
6. the girl with the dragon tattoo -- stieg larsson
at tanong mo diba, ndi ba ko nalilito sa dami ng half read books ko? (by the way parang mas babasahin ko ung dragon eklavoo para kasing interesting) ang sagot jan ay OO. nakakalito din pero ayos lang kasi mga ilang milliseconds lang naman ako malilito tapos ayos na. gets ko na ulet. :D
ang mga nabili ko kahapon na 3 for 2 ay:
1. blink - malcolm gladwell
2. what the dog saw - malcolm gladwell
3. house rules - jodi picoult
sabi ni dax, ndi daw fiction ang book ni malcolm. e sa naaliw ako sa nakasulat sa likod e. kung hindi man e d matutulog lang sha sa cabinet ko. at oo ndi ko muna inattempt basahin ito kasi anim pa yung pinag sasabay sabay ko basahin e. kamusta naman yon?
tapos bumili ako ng relos. bale ngayon 2 na relos ko! yehey! wala lang. so tapos non tinext ko na si daxie sabi bilisan na nya dahil napapashopping ako waaaa.
so after how many years, dumating din sya at binilan namin si dyen ng lotion at shower gel sa marks and spencie. after 10 years din yon ha. kung san san kami napadpad until ayaw ko na pagod na ko e. so un na lang. saka gutom na din sha. pero 10 years din bago namin makita ang food court sa plaza sing. haaay hirap ng walang sense of direction gosh.
so yun. hinintay ko mag 12am dahil birthday din ni sis. gusto ko una ko sha mabati hehehe. tapos... mga 2am gising pa din ako. dahil kinukulit ko si peyborit SA na gawin ang change request ko. saka yung taga promotion team... sabi pa nga ni peyborit SA, hindi ba daw ba ako makatulog dahil sa CR ko. sabi ko oo. sabi nya, talaga daw sinasadya nya na hindi gawin para mapuyat din daw ako. tsk tsk tsk,.. kungdi ko lang peyborit SA yun kinulot ko na yon e. tapos mga 8am, nagtext sya ulet. me kulang pa daw sa isa kong CR. tapos magpunta daw ako sa DCE kasi kelangan daw ng live verification. sabi ko hindi pwede dahil natutulog pa ako. sabi nya palagi na lang daw ako natutulog. nung friday pa daw ako natutulog. nyahahaha. at pakielamero pa talga si peyborit SA ano? haaay naku.
anyways, boring na oo. so today, yoga lang ulet. sound trip, played with tony. nangingitim na nga daliri ko kakaplay with tony e. siyet. kaso, masaya e :p
tapos.. eto.. blog. at mag lologout na dahil kelangan me mabasa kahit tig iisang chapter sa 6 na half read books ko ;)
sana masaya ka ngayong weekend. at sana na alala mo ipagpray ang mama ko ha? sige na. the more the more powerful diba? salamat ha.
sha. un lang. mwah.
ang sarap ng long weekend, ano?
ReplyDelete=)