Saturday, December 4, 2010

kwentong BSB

Nasabi ko na ba sayong Backstreet boys ang tawag ko sa limang anaps na kasama ko sa work? oo no? at isa sa bagong miyembro na to ay si buni. oo. buni ang tawag ko sa kanya. kasi diba ang buni ay isang makulit na nakakainis. hindi nakakatuwa. ganon kasi si buni pagdating sa work. alam naman naming lahat na 1 + 1 is 2 pero 3 pa rin ang lagi nyang sagot sa kin. kaya takang taka sya bakit ba palaging me mali sa code na ginagawa nya.... tinuro ko na. nagpakatitser na ako kahit ndi ako titser. as in blow by blow kwento. wala. 1 + 1 = 3 pa din. pakshet. either bobo ako magturo o sya ang bobo. syempre sya na lang ang bobo kesa ako. shet. ang sama ko. ayaw ko na. buni sya.
pansin ko ha. parang mahal na mahal sya ni koyah masama. lahat ng mahihirap na tasks sa min ni pogi (isang member ng backstreet boys. pogi kasi sya ang pinakamabait sa 5. hindi nya pinapasakit ang bangs ko at hindi nya ako pinapahayblad) binibigay. minsan si buni nakatanga lang sa laptop nya sa tabi ko. patawag tawag sa phone. paclick click sa mga codes. samantalang ako naloloka sa kung pano bubuuin ang pool migration report habang nagproprod support at sandamakmak ang natatanggap kong error sa tws run. sasabayan pa nya ng tanong kung bakit 1 + 1 = 2. pakshet.

so minsan, tinanong ko si buni.

sam: how long have you known koyah masama?
buni (smiling): first, why are you asking?
sam: well you seem so close to him. thats why.
buni: why? i am close to brutus too! (brutus other member ng backstreet boys. isa na lang ndi ko nasasabi no? later i will)
sam: yeah well you're closer to koyah masama than brutus. so have you known him that long?
buni (dismissive ang dating sa kin): yes, and thats all I am going to tell you.

nak nang! sikreto pa ba ito? fishy tuloy. kamag anak ba ni koya masama si buni? anak ba nya ito?!! o baka naman magkalaguyo sila?! hay. nakakainis lang. kaya ba mas madami kaming gawa ni pogi kesa kay buni? o kasi alam ni koyah na hindi alam ni buni ang 1 + 1 = 2 kaya hindi nya binibigyan ng work? eh bakit hinire pa nya in the first place?! ang dami nyang resume ng pinoy na hawak dati. im sure mas magagaling ang mga yon kesa ke buni pero si buni ang hinire nya. pakshet. nakakainis lang. bakit ganon?! unper!

haaaay.... ok lang kung mahal nya si buni. ok lang kung anak nya yon or what ever. sana lang fair. pero me fair ba sa earth? alam ko dapat dedmahin na lang. ok fine. siguro assuming lang ako... whatever.

nga pala yung last member ng BSB na hindi ko pa nababanggit dito ay si vice. as in vice ganda kasi para shang bading. mejo bitchessa sya sa akin pag anjan si koya masama sa pagsagot sa mga tanong ko. hhhmmmm ndi kaya naiisip nya para akong si buni na 1 + 1 = 3 din ang sagot?! nyahahahaha.

ewan.

o sya yun na muna.

1 comment: