ito ang unang post ko for the year 2011. at wala akong maisip na isulat. alam mo yon? ndi ako makagawa ng magic sa pagsusulat. basta gets mo na yon.
bullet kwento:
-- wala na si uncle boots kahapon lang ng 3pm. :( kaninang umaga lang nila sinabi ke mama. buti na lang, isang iyak na bongga lang si mama tapos ok na. pero malungkot pa din ang boses nya pag tumatawag ako. :(
-- unang araw ng taon, nagkasakit ako. ubo, sipon, lagnat, paos... the works! perfect! kinabahan pa ko pagbalik ko dito sa sg baka maharang ako at sabihin nilang me h1n1 virus ako. siyet. pero buti naman at mga kathang isip ko lang naman ang mga iyon. andito na ko. ulet. haaay.
-- sabi ni koyah masama, nagdala daw ako ng manila virus. at sa tuwing mababahing sya kahit once lang sa araw na yon... o kaya naman makaramdam ng konting sore throat eh.. ako na agad ang me kasalanan.. tsk tsk ts gusto lang ata magsick leave non eh.
-- new year's resolution ko ang pumayat. nyehehehe. nag eeffort naman ako. pero siempre dahil unang linggo palang ito eh wala pa. ndi ko pa nararamdaman ang resulta kahit nararamadaman ko palagi ang pagkagutom. kanina lang.... nilagpasan ko sila chips at chocolates kahit na sinisigawan na nila akong kunin ko na sila at bilhin. haaaaay... life...
-- mabenta ang polvoron sa backstreet boys. pinapauwi na nila ako sa chinese new year para lang dalhan sila ulet non. tsk tsk tsk. pero ndi ako uuwe no, magastos kaya!
-- masarap pala ang cherry.
-- me iba nang ringer, bukod sa "criket" sound, ang ipown ko. kanta ni jason mraz at tristan prettyman na shy that way. ;) yes. kaso nadelete lahat ng kanta ko. siyet.
-- parang dinaanan ng bagyo ang kwarto ko. kelangan mo ng compass para makita ang way.
wala na. yan na yun.
happy new year, sam!
ReplyDeletekulet ahahhaa
ReplyDeletebakit lahat gustong pumayat, ha?
ReplyDeletehehe