Sunday, March 20, 2011

lazy day

wala ako masulat. may kinalaman kaya yung kahapon pa ako hindi lumalabas ng bahay. kaharap ko lang lagi itong laftaf. ni hindi ako nagbabasa ng books ko! pero ngayon meron akong balak lumabas mamaya. puntahan ko yung book sale sa expo. tapos sundo ko si sis sa airport. kasi work sya dito ng 1week e :)

dadalhin ko yung camera ni mama. na balak ko na wag ibigay bwahahaha. bilhan ko na lang ulet ng mejo mas mura sa april. hindi naman nya mahahalata diba? hindi naman nya alam pa itsura ng camera nya dapat hehehe. pero pinag iisipan ko pa ito. basta dadalhin ko mamaya camera ni mama at magkukuha ako ng picture dito. trips ko lang.

pasok nanaman bukas. kakatamad.

o sya watch na ko uli movie. green hornet.

3 comments:

  1. puro ka na lang laptop
    hehe

    kamusta green hornet
    astig ba?

    ReplyDelete
  2. rafter, yup! astig hehehe. saya ng may laptop hehehe.

    ReplyDelete
  3. sam. pakita ka na. ang liit liit lang ng singapore weh.

    ReplyDelete