nagulat ako nung isang araw, kinukulit ako ni blogspot.com. balikan ko na daw yung dati kong site kasi itsutsugi na nila kapag dinedma ko pa ito ng bonggang bongga. e shempre natakot ako. parang hindi ko ata kaya mawala ng tuluyan ang mga kasentihan at kajologans na pinaglalagay ko don. aba kahit papano nag nosebleed ako sa mga pinagsusulat ko don! at minsan may natuwa ding dumaan sa mga posts ko na yon. so binuhay ko sya ulet. hayan o nasa gilid lang iclick mo. check mo lang gano ko kabaduy noon at baduy pa din hanggang ngayon. ang tagal ko na palang blogger... 2004 pa pala! akalain mo yon! dami ko nang dramang naisulat. tas ngayon nga may mga new found friends pa ako dahil sa blog. :)
nahihiya na akong magpost minsan kasi may nagbabasa eh. hehehe. ok fine. sige e 3 lang naman silang nagbabasa. wala lang. ayaw ko lang imagnify yung negativity na nararamdaman ko. madalas ngayon nagsosolo nalang ako sa room at nagdadrama.
*************************************************************
sa daming beses ko na palang sinabi ito,
dapat ngayon sanay na ako.
at kung mabait pa ako sa sarili ko sana...
o sige... isang minuto ng kalungkutan lang
ang dapat kong ibigay
pagkasabi ko nito...
kaya lang.
nakakasanayan ba
ang magpaalam?
bakit yung iba
parang hindi tao?
manhid.
o ako ang parang hindi tao?
OA....
work in progress pa din ako.
araw araw
susubukan ko pa din, pramis.
para sa susunod
na sabihin kong bye...
ok lang ako.
wala ng drama.
wala ng blog blog.
tapos na agad.
move on na.
pero sa ngayon.
oo ayos lang.
ikaw na muna ang masaya.
ako na muna dito.
bitter?
Mukhang kelangan mo pa ng mas madaming vodka at beer. LOL!
ReplyDeleteediba may mga emo post ka den dito?
ReplyDeletenyahaha
ReplyDeletesarap tawanan ang old posts, diba
hehe