Sunday, May 27, 2012

random thoughts lang

ang syunga ko lang talaga. hindi ako nagbablog kasi kada punta ko sa site ng blogspot may survey something sya na nilalabas sa screen ko at kada itatry ko i enter ang mobile number ko walang lumalabas na number. eh hindi ka makadiretso sa login screen pag di mo tatapusin ang survey so sa bwisit ko hindi na lang ako nagbablog. pero oo alam ko. excuse lang to. helloooo?! pag gusto may paraan diba? hhmmm... ayaw ko lang magblog talaga. lately. pero im here now. ;)

random thought #1:
ako lang ba to at sadyang weird lang ako? halos lahat ng kakilala ko dito sa sg laging nakatutok sa laptop o nag iinternet? lugi kasi sa akin ang internet eh... hindi ko masyadong trips mag net. mas gusto ko magbasa ng libro. o kaya magdodownload ng favorite series ko tapos yun na ndi nanaman ako online. madalang din ako manuod talaga sa alaptop. madalas ko sya gamitin for sounds. yan. trips ko yan. ang weird ko baaaa???

random thought #2:
gusto ko nang umuwi. miss ko na si mama. kaso ma eexpire na ang passport ko. hindi pa ko pwede mag gala. saka ang purita ko ngayon. huhuhu. ang mahal kasi magpadentista dito. nababaon ako sa utang waaaa. pero i swear bibilisan kong matapos ang pagbayad sa mga utang ko na to.

random thought #3:
sinong best friend mo? Im sure mayroon diba? kahit isa? at one point in time? or isa ka sa pinalad at may nag iisa kang best friend since birth? parang ako kasi... seasonal best friends lang. walang nagtatagal. ganoon ata talga pag isa kang nilalang na may tama sa utak? hehehe. yeah, im weird that way. its like nobody stays unless bounded by blood and has no choice but to stay.  oo. ume emo nanaman ako.

hayun lang. next time ulet.

2 comments:

  1. wow nagblog na siya! :) hindi ka naman weird. kakaiba lang. hehehe

    ReplyDelete
  2. Dapat Sam sa 'yo ang "Most EMO Blogger" award, hindi sa 'kin. LOL! Hindi na natuloy ang kape natin.

    ReplyDelete