Wednesday, June 20, 2012

panalo si manong

Kagabi lumabas ako with care bear friend. nagpunta kami sa east coast park. nakipagkwentuhan lang ng tungkol sa latest kong kagagahan sa buhay. continuation lang naman. wala namang nabago. tapos nun dinner na at uwian. nagtaxi kami pauwi. winner si manong kasi makulit sya at medyo binge. pag sinabi mong left pipilit nyang sa right o kaya naman gusto nya straight. haaay.

tapos may ganitong usapan:

Manong: are you filipino?
Care bear friend: Yes uncle.
M: Ah, no work today ah? Only tuesday ah?
Sam: Yes uncle done work.
CBF: Parang tingen ni uncle mga ate tayo ah bakit nga naman tuesday tayo nagday off Sam?!

so unang hinatid si care bear friend sa bahay nya. so lagot na ko kasi ndi nga ako madunong sa direksyon diba so pano ko tuturo sa kanya san ang anchorvale link? so eto ka sabi ko nang straight gusto nya mag right. so ndi ko na pinilit gusto ko. tapos nung nagtatanong na sya san ako nakatira eh napakamot sya bakit ko daw sya pina right eh straight daw dapat yon. ha? manong? sinabi ko nga straight ayaw mo eh.

tapos making conversation ule si manong.

M:  are you married?
S: No uncle.
M: Ha? what?
S: (Dedma)
M: Do you have kids?
S: (What?! OMG mukha na kong nanay waaaa.) None uncle.
M: What?! Nine?!
S: (Masama na tingen kay manong.) Single uncle! SINGLE!
M: Ah... hehehe. Why no husband?!
S: (Dedma. buti na lang malapit na sa amin....)

Nung nagbabayad na ako...
M: Why no husband ha?!
S:  Cant find any uncle.
M:  You  should look. Day by day you get old ha. 
S:  (Dedma)...... bye goodnight. thanks uncle.

grrr. oo na uncle. gets na gets ko na.

2 comments:

  1. mga manong talaga dito tsismoso, ang kulleeet!

    ReplyDelete
  2. nyahaha
    bakit di mo binatukan si uncle?
    makaktikim sakin yan
    hehe

    ReplyDelete