Saturday, August 4, 2012

tuwing umuulan

tuwing umuulan, masarap matulog. o kaya manood ng series o kaya magbasa ng libro. pero mas masarap kung may kasama. diba nga may kanta? tuwing umuulan at kapiling ka? naks. pag feeling mo nga naman inlab ka medyo nagpapakakeso ka kung minsan. or kaya naman madalas, makeso ka lang talaga.

wala naman talaga akong kwento. parang naisip ko lang magblog kasi masayang kalikutin ang laruan ko na hindi na bago wehehe. pero aylabet pa din. babaw ko lang ba?

isang buong linggo ko syang pinagmamaktulan. isang buong linggo din lang nya akong pinagpapasensyahan. ang saya ko lang pagpraktisan ng pasensya. sadyang pinanganak kasi akong makulit.

lahat dito sa bahay nagdadiet. sila ng payat. ako ng may stock ng chips sa kwarto. :) at ako ng takot pagpawisan. its so iiieewwiiie kasi nyahahaha. jooooke lang. iniisip ko din namang magexercise. pinaplano ko din naman minsan siputin ang yoga class ko sana. kagaya ngayon. sana plano ko magyoga. kaso tinamad si haring araw magpasikat ngayon. umuulan nga kasi. diba nga?! sabi ko masarap matulog? so pano na plano ko nyan ngayon? may pag asa pa kaya ako?

hayan. nagsulat nanaman ako. tapos wala nanaman akong maisip na title. eh kasi naman pirmeng walang sense sinusulat ko. gusto ko lang magsulat ng walang sense. gusto ko lang magsulat. i miss you na eh. ;)

o sya. nuod na ko ulet. sana.. sana.. sana.. sipagin akong magyoga.para pumayat naman ako! kagaya nilang lahat na rumoroad to hotness. tsk. may ganon pala?

1 comment:

  1. Emo na naman :)

    tapusin mo yang grimm, ganda. once upona time next ko :)

    ReplyDelete