Friday, February 14, 2014

HVD!

abot pa ba ako?! naku sana! anyways happy valentines! :) kamusta naman ang puso mo today? o nag init ba ulo mo sa trapik? o sa dami ng nag aabang ng taxi sa labas? ako mejo mejo lang. may mrt naman eh. mejo ok na ata ako. hindi nanaman na kailangang sundin ang 21 days ek ek. 
si housemate at si care bear friend ang kasama ko kaninang valentines dinner. pero shempre bago ang lahat, nakasilay din naman ako. ;) mawawala pa ba naman yon?
nanood kami ng zach muvi nina friends. ndi naman masyadong maganda. pwede na. tas dinner. as usual, malungkot ang dinner ko. ( gawa ng natural na matakaw ako, nag 1 slice of wheat bread plus low fat cream cheese pa ako. ndi kasi ako nabusog sa kinain ko! :D hihi) tapos bumili ako ng electric fan. ewan ko ba. hindi nagtatagal ang electric fan sa akin. kagabi pag bukas ko may sparkle sya. parang new year. so pinatay ko na. nag aircon galore na lang ako. pero ngayon meron na. binuhat ni housemate for me. sooooow nice of him.
pero ngaun sleeping time na. bedtime ko kanina paaaaaaa. 
sana masaya ka today. para mas masaya ang earth pag maraming happy people. baka someday mahawa ako sa inyo. 
laters!

No comments:

Post a Comment