Saturday, September 13, 2014

work tantrums

ilang buwan na ba ko sa bago kong trabaho? hmmm... mag aapat na buwan na pala. at eto ka, gusto ko na agad umalis. hindi naman sa mahirap ang trabaho. madali lang naman. yun nga lang saksaksan nila ng dami. tapos ndi ko pa gamay so everyday lagi akong windang. dagdagdan mo pa ng amo na sobra makamicro manage at hindi bilib sa akin. meron sigurong policy sa kanila na no return no exchange although ndi naman nya ako nabili sa kung kanino. pero kasi feel ko ayaw nya sa akin pero bakit nya ko hinire?! o siguro lang binibigyan pa nya ako ng chance, mashado lang talaga akong negastar. sori naman. nakasanayan lang.

hate ko si red 1. although na master ko na ata ang art ng pagiging plastic kasi kinakausap ko pa sya or hindi ko pinapakita ang kahit anong signs na hate ko sya. or baka lang kasi talgang wala na akong pakialam.

bakit ko sya hate? kasi ilang beses na nya ko pinahamak sa amo ko. hindi na nga ako paborito ng amo ko mega back up at gatong pa tong si red 1. shempre pa kampi si amo sa kanya. magaling ata sya? tingin ko hindi. kabisado na lang nya system kasi bilang isa sya sa oldies but goodies sa group. o siguro bitter lang ako. bahala ka na. mamili ka.

pero gusto ko pa itry. ayokong mag give up! ang hirap nga lang bilang napaka sensitive kong tao konting kibot lang ngawa na ko pero ayoko talagang mag give up! isa pa mahirap maghanap ng trabaho ngayon. at kelangan ko pa ng trabaho. gusto ko pa makakuha ng iphone6! hehehe saka no, papano na lang ang nakapaka cute at napaka loving kong ching?! cannot! must bear lah! waaaaa hirap lang nga. ndi ako sanay ng pinagagalitan lagi. 

ikaw? anong tsismis sayo?

1 comment:

  1. kailan ka uuwi para makipagchismisan? Kulitin ka ng inaanak mo :D kita kita tayo ni tots.

    ReplyDelete