Monday, March 29, 2010

bago lang.

wow tagal ko na palang hindi nagbablog. as usual kasi nalimutan ko nanaman ang password ko. at madalas natatamad ako iretrieve. saka usually... wala na din ako maisulat. pero ngayon parang marami akong time. last few days ko na kasi sa company ko... nagresign na ako. last day april 8. hmmm... happy ba ako? oo naman. pero sad din. these past few weeks kasi kinailangan kong mamili sa dalawang bagay na parehas namang maganda. ang hirap pala ng ganon. pagkatapos nung nakapili na ako. ang hirap din palang panindigan yung desisyon na nagawa mo.  well at least hanggang ngayon pinaninindigan ko pa din. hooray for me! minsan nga lang napapaisip ako. tama kaya ako? tama kaya yung napili ko? tama bang iwanan yung alam mong sigurado ka na? secure ka na? para lang sa isang bagay na wala ka pang ka alam alam? tama bang pinili mo tong isa kasi bago e. bored na kasi ako sa life ko ngayon. e etong isa bago. new environment. exciting diba? kelangan ko na ata ng bagong tao sa life ko.... hindi naman porket nag asam ako ng bagong tao sa buhay ko itatapon ko na yung mga luma diba? hindi naman ganon yon... kaya lang yung mga lumang tao sa buhay ko mga nagrereact...

oh well ganon talga. pag me bago, natural me magrereact. diba?

nakahabol ka ba sa kwento ko? sana. hehehe.

mukhang magbablog na ko lagi. dahil kung mukang mag isa lang ako sa pupuntahan ko. kelangan kong me kausapin... kahit minsan o hindi naman... sasagot tong blog ko na to. magkukuwento pa din ako.

excited na ko. :) bago lahat. bagong tao, bagong lugar, bagong trabaho, bagong boss. aliw no? :p

No comments:

Post a Comment