haaay. 4 days na lang, last day ko na sa sas. huhuhu. mejo nalolongkot ako kasi super love ko sila e. pero diba sabi ng iba... wag mo daw mashado mahalin ang company mo kasi hindi mo naman alam kung hanggang kailan ka mamahalin nito. nyahahaha hindi saktong ganyan ha. alam ko kasi english ang kasabihan na yon. hindi ko lang matandaan talga yung exact words. anyway, so un nga. ako ito nasasad... hayun sila... hate pa din ata ako. wala naman akong ginawang masama. hindi ko lang naman sila pinili kahit me counter strike offer na ako... mas gusto ko pa din kasi umalis...
si boss friend. hindi pa din ako kinakausap. hindi daw nya maintindihan bakit kelangan ko pa umalis. e pano yan? hindi ko din maintindihan kung bakit ayaw nya akong paalisin. hindi naman ako sa panget pupunta. inisip ko na lang sad lang siguro sha kasi aalis na nga ako.
lilipas din tong nararamdaman ko no? lilipas din ang tampo ni boss friend. pagkatapos sana non... sana friends pa din kami.
saan ka ngayong holy week? bakasyon? mageemote at magninilay nilay ng moments sa buhay mo? o magpapaka workaholic?
ako... hmmm... hindi ko pa alam. pero definitely hindi ako magpapakaworkaholic. hehehehe
vacation mode na ako. halfday kami ngayon. buti na lang govt ang client namin hehehe. saya.
maganda iyang nakalipat ka muna ng ilang trabaho bago ka mag-settle sa isang kompanya. kasi nakita mo ang ibang kompanya kung paano magpatakbo at doon ka matututo.
ReplyDeletemanila lang ako nitong holy week. traumatic sa akin ang mga maneho ko palabas ng manila pag holy week. grabe sa trapik. sinolo namin ng isang friend ko ang malate at un avenue. nag-shoot kami.
hehehe at least lumabas ka. ako kasi nagkulong lang sa bahay. walang ginawa kundi kumain, matulog, magcomputer games at manuod ng tv. lahat pampataba! hehehe... tingen ko din maganda itong gagawin ko... kahit ung iba tingen nila hindi hehehe... happy easter atticus!
ReplyDelete