Palagi akong nakakabasa ng mga tungkol sa wishes and wishlist ngayon. Kasi ba malapit nang magpasko? Hmmm... Una si bo, about wishes and wishing ang topic na pinapadala sa email this past few weeks. at me isang blog na madalas ko na din dalawin ngayon ang nagpost na parang all i want for christmas ba yun. Wishlist na din diba? Pwede. Hhmmm...
Naisip ko, gusto ko ng wish na nagpapangiti. Pero meron bang wish na hindi? Hehehe. Yung tipong pag pinikit mo mata mo para humiling, nakangiti ka na. As if matutupad na. :) me ganon ka bang wish ngayon? Ako. OO. Gusto ko isipin na OO. Kaya walang basagan ng trip.
******************
pahealthy living ang drama ko nitong weekend. Yoga nung sabado. Hot yoga to be exact. At anaps ang guro. Malamang. Yoga e.at sg. E daming anaps dito. Saka imaginin mo nga instructor mo sa yoga e singket?! Sakit sa bangs yon! Eto pa lang ngang anaps e akala ko sinong serene ang tinatawag... Sabay sunod ay six... Five... Four.... Ay sus! Si serene pala ay number seven. Nagcocount down pala sha. Tapos maya maya... Me tinatawag naman shang bready.... Brida. Naman! Breath in breathe out pala yon! Haaay imbes na magconcentrate ako sa poses e nang ookray ako no? Hehehe.
Sunday. Gym at hot yoga ulet. Oo eh. Hindi naman ako nagpapakamatay nito. Ewan ko ba. Kahit pagod pa ko e ginawa ko pa din ulet yon sa sarili ko. This time ibang anaps na ang guro. At parang mas mahirap na ang steps o poses. Me time nga don nginitian at kinawayan ko na lang si titser anaps. Naman! Hirap ng pinapagawa nyang pose ha! Sha kaya gumawa non!
So kagabi. 7pm pa lang nakahilata na ako. Hindi ako makagalaw sa sakit ng buong katawan ko. Tsk tsk. Kalokohan ko nga naman.
O sya. Tapos na ang kwento :) tulugan na. Mwah.
naulit ba yoga natin?
ReplyDeletetry mo pilates
mas trip ko yon
hehe
Mahirap kaya un. Diba? Na try mo na?
ReplyDelete