Saturday, April 9, 2011

dizizit

eto na yon.biyernes na. tapos na ang hellweek ko. ;)  biruin mo naman. prod run na this week as in 1 week run lang. pano kasi quarter end eklavoo ng banko. so may deadline something. yung dating 12 days run ko ginawa lang limang araw. pagkatapos, deadline pa ng hongkong project ko today. kelangan kasi nextweek deployment to UAT na. naman. tapos nung monday, lahat ng reports ko, imagination pa lang lahat. hindi ko pa tapos ang mga codes. nawawalan na ko ng pagasa. tapos, 4 na jobs ko pa nagfail.sanka pa?...need i say more?

pero as usual, since magaling ako at blog ko ito. natapos ko siyempre. me kasamang oty. pamemeste kay koyah masama. pag iyak sa loob ng cr (iyakin ako eh bakit ba? oo pati hindi magawang codes iniiyakan ko para maclear lang ang utak ko) saka sandamakmak na kape. kasi nakakabangag. pero, pero hindi pa ito ang kwento ko. so friday nga diba? kelangan naman me moments to unwind. so nagmessage ako sa mga repapips. tanging si sergie lang ang available. buti na lang. tapos... na alala ni sergie, me viewing pala kami ng house.
ako sa totoo lang feeling ko dizizit na. paulit ulit kong sinasabi ke sergie yon habang papunta kami sa hdb of our dreams wehehehe. at hindi nga ako nagkamali. :)  pagpasok pa lang masasabi ko na masarap uwian tong bahay na ito. si sergie nga nagmoment na agad sa bintana eh. tapos sinabi ko na agad ke uncle na we want this. do we still have to email you or will you just call us tom or email us if we will get this place? some kinda like that. hindi ko na matandaan eh hehehe.

ngayon ang tanong, anong dahilan ang sasabihin ko dito kung bakit aalis na ako.ayoko namang sabihin ang totoo na ayaw ko na sila makasama. baka malaman ko lang na ayaw na din nila ako kasama e so what naman?! :p woooshoooo. eh nakakatakot din magsabi kasi magagalit sila malamang. diba? problema kaya ang ibibigay ko.

ano, ano, ano ang pwede kong sabihin?

a.  hindi narenew contract ko? hindi pwede. napakadaldal ko. kahit pader ata nakwentuhan ko nang marerenew ako. pero wala pa din nga ang contract ko. dahil sa hell week this week ndi ko ito nafollow up. tsk.
b. maglilive in na kami ni sergie? naman. oa naman ata yon. nakakahiya naman sa kanya. bwahahahaha.
c. ....
wala na. wala na ko maisip. waaaa hindi ako madunong. kahit paikut ikutin ko, baka masabi ko pa din ang totoo.!..

excited na ako. :) maglipat. mag ayos ng room. mag ayos ng house. magluto. magsunong ng lulutuin. dizizit. i know na. really. diba?

6 comments:

  1. aliw ang mga blogs mo...i know this is it....God has led us this far....Saan ba siya? ha ha ha...

    There's so much we have to do, but I know He will be around...

    ReplyDelete
  2. pwede ba akong magbakasyon sa bagong mong home sweet house?
    hehe

    ReplyDelete
  3. Pwede n kami makitulog sa yo?- gracie

    ReplyDelete
  4. rafter, para namang pupunta ka dito ano ba naman tong sg kumpara sa mga pinupuntahan mo lagi :p

    gracie, bakit anonymous ka? wala ka nang blog? pwede, 50sgd a night kasi prens tayo eh bwahahaha.

    ReplyDelete
  5. Di ko n tanda blog ko e.. :)

    ReplyDelete