Saturday, April 16, 2011

pack.... siyet.

nakakainis ako. nahihirapan ako magimpake. kasi pag nag impake ka, babay na diba? ang eeeeemoooooo koooooo. ano ba naman to?! e diba kaya nga ako nagdecide umalis kasi ano nga. because of some living creatures in the house? kaya lang sina dyen, friend ko yang mga yan eh. sya nagturo sa kin magluto eh at saka kung pano mga pasikot sikot dito sa sg noong para akong probinsyana dito. nakakasad umalis. kaso ayaw ko na dito din talaga. wala lang. gaga lang talaga ako.  waaaaaaa. andali ma attach lang. dapat daw hindi ganon kaso ganon ako eh. loser no?


nung isang araw first time ko umattend sa blogger's something dito sa sg. hangkulet lang kasi ni bulakbolero.sg. so yun nagpunta ako. nakilala ko na si jepoy. ang kyuuuut kyut nya kaso ndi ko sya makulit kasi nashashy pa ako. pano mas makulit kasi sya sa kin, lam ko yon. hehehe. tapos tapos aliw kasi mas madaming lalaki. madami palang lalaking blogger o mas marami lang blogger na lalaking mahilig magkita kita? hehehe. naisip ko kasi karaniwan na mahilig magsulat o may tyagang magsulat usually babae. wala lang naman. yun lang thinking ko. dati.

o sya. try ko na magpack. ulet. siyet.

No comments:

Post a Comment