Saturday, September 3, 2011

para kanino ka bumabangon? (peram lang ng title. title ba to?)

kanina habang pauwi galing opisina, (shempre pa nagtaxi ako pauwi. ako na madaling araw umuwi on a friday night at hindi galing ng gimikan), eh pumasok sa isipan ko ang tweet ni bulakbulero kaninang umaga. basta ang nabasa ko lang sa tweet na iyon eh "para kanino ka bumabangon?" so habang nakapikit, panandaliang pinapahinga lang ang mga mata ko kasi oa pagod na ko.. naisip ko ano nga ba sagot ko don?

ano ba trips mong sagot? yung tunay at pawang katotohanan o yung kung ano yung "dapat" na sinasagot. yung "tama" para sa isang kagaya ko? or all of the above?... all of the above na lang noh?

yung dapat. yung tama. para kanino ako bumabangon? shempre pa para sa pamilya ko. numero uno na jan si ching. e kaya nga ako napadpad dito eh kasi para sa kanya. kailangan kong bumangon para magtrabaho para sa kanya. una sa lahat. sya. pangalawa. trips ko lang bumangon. hehehe. eh sa nagigising ako eh. mas masaya atang magising kesa ndi na magising forever diba? kahit ganito ang life. unfair. at least, maraming options na ibibigay sayo. kundi man, pwede mo naman hanapin ang mga options na trips mo. kahit ilan. kahit saan. magdesisyon ka lang bumangon. ok na yon. diba?

yung tunay at pawang katotohanan na sagot? hindi ko alam eh. sirit na. minsan kasi pakiramdam ko pagod na ako. kaya nakakalimutan ko kung ano nga ba ulit yon? parang kailangan ko lang pumasok. parang pag gising mo kailangan mo lang talagang gawin ang mga responsibilidad na nasayo na simula nang magkaisip ka. hanggang ngayon. diba nakakapagod din yon?

pero siguro kaya lang ako emo ng todo ngayon kasi pagod lang ako. at napepreysur na ako sa deadline ko. pakiramdam ko ndi ko na abot. hayst.tuloy napapaisip ako bakit ko ba to ginagawa? eh nahihirapan na ako. pwede namang hindi ko na gawin eh, kung ako lang talga. pwede ko nang tigilan tong kalokohan na to at nababangag lang ako.

haaaay. sa huli naman, yung gagawin ko naman eh yung dapat pa din. at yung tama. naman. matitiis ko ba naman sila?! si ching pa? ewan ko ba. bakit ba kasi ako ganito? pinanganak na ata akong baliw.

o sige. yun lang. bye.

4 comments:

  1. i feel you... as in! sobra! pa-HUG nga!

    nakakatamad minsan bumangon, kasi pede namn hindi di ba? pero siguro yun ata ang essence nung paghiga, pagdapa, pagtulog, plakda at iba pa, kasi at the end of it all we are living with a purpose... and by purpose we live a life! haha! ang labo ko lang.. pero gets mo naman ako di ba?

    pwde pa-request lang? makipag reunion ka naman kay "pahinga" ok? mwah*

    ReplyDelete
  2. siguro sa oras na mababasa mo to di ka na pagod.

    hehehe...

    nabasa ko din ang post ni bulakbolero.

    and it made me think kung kanino nga ba.

    tapos naisp ko madami pala..

    ayos!

    :D

    ReplyDelete
  3. bukas, bumangon ka para sa iyo. kasi amazing ka.

    period!

    (atnanginanilanglahat)

    ReplyDelete
  4. sam bangon ka naman para sa sarili mo. enjoy ka uli and relax.

    see you soon! :)

    ReplyDelete