Saturday, October 8, 2011

magic sing

kaarawan ng hawsmate ko ngayon. at shempre pa sa bawat handaan hindi nawawala ang kantahan. numero uno nang paboritong gawin yan ng mga pinoy. shempre pa dahil nakwento ko kay hawsmate na nung unang panahon eh naging singer ako e pinakanta nya ako. para din akong nag audition kasi yung isa nyang friend na kakasal sa december, naghahanap ng kakanta sa kasal nya. pumasa ata ako. so yun trips nya na sa bridal walk nya kakantahin ko yung peyborit nyang song. haaay andami ko nang nakantahang kasal... eh kung lahat kaya sila pakantahin ko sa kasal ko ano na mangyayari nyan? concert? :p

*** ***
kanina nakita ko din si carebear friend. hindi kami mashado nagpansinan. hi lang. saka bye. saka in passing smiles.  parang others na.walang pinagsamahan. ano nga kaya ang maling nagawa ko?.. para hindi na kami maging magkaibigan ngayon? or for us to simply drift apart?  nag effort naman ako.. kaso shempre kung wala naman response, napapagod din ako. sabi nga ni hawsmate kung masaya na sha kung asan sya ngayon hayaan ko na. e di ok.

*** ***
o sya. napagtripan ko lang magsulat. babalik na ko sa labas. bituing walang ningning na ang tumutogtog eh. makikigulo lang ako.

1 comment: