Sunday, November 27, 2011

Salamat

oo. ako na emo queen these days. pero ganon talaga ako. kung kilala mo na ako, sasabihin mo lang "so what's new?!" :)

magpapasko na. matatapos na taon. mas ok siguro kung bilangin ko ang mga bagay na dapat kong ipagpasalamat ngayong taon na ito kaysa sa mga bagay na pinapaiyak lang ako. diba? so eto ang mga iyon:

  • nairaos ko na sa operation si ching. ) yun ang naging dahilan kung bakit ako nandito diba? at ngayon, ok na sya. check up check up na lang. saka sana bawas bawasan nya na lang ang pagiging matigas ang ulo. eh kasi ha nagtatakas ng coke yun! itinatago pa sa aparador! nyahahaha. para lang makainom sha kapag wala kaming lahat at nasa trabaho. tsk tsk. may pinagmanahan ako.
  • may trabaho pa din ako sa sg. narenew ako nung april diba? so may sure ball na trabaho pa ko gang next april. kaso ngayon, nag aapply na ako sa iba. ipagpray mo naman na makuha ko yon. tingen ko kasi makakatulong sa akin kung makakalipat na ako ng trabaho. sige na! pray for me pls!
  • nakabili ako ng laptop ko! sarili kong laptop! :) na aalala ko simula ng magtrabaho ako tamang inggit lang ako sa mga ka opisina at kaibigan ko na maya't maya na lang nagpapalit ng laptop. wehehehe. bukod sa ndi ako magaling mag ipon eh talagang sakto o kulang lang lagi dati ang sweldo ko. so ngayon, nung andito ako nakakabili na ako kahit papano ng para sa sarili ko. :) masaya yun diba?
  • nakakilala ako ng mga bagong kaibigan dito sa sg. hindi man ako pang mayor kung mangapanya para magkaron ng so many friends, well at least na attract ko naman yung iilan dyan na alam ko sasamahan ako sa pag iisa ko dito sa sg. yung tipong kahit alam nila mga maling nagawa ko, tanggap pa din nila ako. swerte ko pa din diba?
  • mababait kong housemates! :) na pinagluluto ka at naglilinis pa ng common toilet hahahaha. well actually OC lang talaga si Tito hehehe.
  • uuwi ako ng pinas sa DEcember! yahoooo! :) mahabang bakasyon at pasko sa pinas! kahit magastos masaya pa din. san ka pa?! :)
  • at kung matatanggap pa ako sa trabahong inapplayan ko, well isa pa yon sa mga dapat kong ipagpasalamat ngayong taon na ito. sana sana sana makuha ko yon.
hhmmm.. madami dami din diba? :) hindi pa ko totally malas pala. and im still so blessed.

Merry Christmas! wehehehe

1 comment:

  1. you have a lot of things to be grateful for talaga
    at sana nga makalipat ka sa bagong trabaho
    wish ko din yan sa sarili ko
    hehe

    pasalubong ko mula sa HMV paguwi mo dito, ha
    =P

    ReplyDelete