Saturday, November 19, 2011

wala lang

kung bakit bigla na lang gumaganda o gumagwapo ang panget sa paningen ng taong inlab? yan ang malaking katanungan ko ngayon. hindi dahil sa wala akong maisulat o sa inlab ako ngayon... labas na sa usapan yan. isa pa. palagi naman akong inlab. inlab sa lab. kaya madalas din akong emo. lungkot lungkotan. palagi din akong walang maisulat hehehe.


papano ba maramdaman yung tunay na wala kang pakialam? papano ba pigilan ang sarili na wag mangelam o wag ma apektuhan? yung dedma lang palagi? para iwas sa sakit. iwas sa kagagahan. yun na. gets mo?

pansin ko lang. ako lang naman to ha. ang galing galing ng mga lalaki sa ganyan... yung dedma lang. yung happy go lucky lang. yung walang pakialam. hindi apektado. parang hindi nasasaktan. nakakainis lang. gusto ko maging lalaki. hindi sa gusto ko maging tibo. pero gusto ko maging gaya nila. ayaw ko nang maging drama queen. ayaw ko nang maapektuhan ng bongga. gusto ko na ipahinga ang emo mode ko. turn on the bitch in me! pero duh?!! papano ba yon?!!

nung isang gabi nakakwentuhan ko isang blogger na lalaki. tipikal na lalaki! sabi ko bigyan nya ako ng lesson 101 sa pagiging lalaki. uubra kaya sa akin yon? hindi naman ako ganon. sa mga nakakakilala sa akin. ang layo ko ata sa pagiging ganon. anyway may mga binigay syang sample o tip. eh mukhang nagagawa ko nanaman na ang iba don. kaso... pagpapanggap lang naman ang mga yon. :( gusto ko nang maging ok. pramis. ayaw ko na nito. paulit ulit. its all in the mind diba? everything is in the mind. if i stop thinking about it would the pain go away?

ayoko sana magsulat tungkol dito. given na kahit papano may napapadpad sa blog kong ito kahit paminsan minsan. kaya lang. gusto ko lang talaga. pag malungkot ako dati nagsusulat ako. ng paulit ulit hanggang sa maging ok na kahit papano. oo, ok na ko kahit papano. at magiging ok pa. alam ko yun. ganon naman talaga diba? one vicious cycle ika nga ng isa pang kablog ko dyan dati.

o sya. napakwento lang ako. sensya na emo eh.

2 comments:

  1. Awww. Ang hirap no? ang hirap sabihin ang dapat maramdaman kung ndi tlga kaya, or nahihirapan pa. Dibale, it's always just a phase. May next step lagi. :D Apir! :D

    ReplyDelete
  2. tama naman si Tago. may next step lagi pero ang tanong kung kailan ka magiging brave enough to take the first step at ang problema dyan e yung first step na yun ang pinakamahirap i-hakbang. pero kaya mo yan. ikaw pa...APIR!

    ReplyDelete