mga bloopers at moments nung pag uwi ko sa manila:
1. naligaw ako sa loob ng airport ng singapore.
>>> oo na. hindi naman nakakaligaw doon. e sensha na. wala talga akong sense of direction eh. hehehe. so nakailang ikot pa ako bago ko nakita ang check in lane ko. at nakailang ikot pa uli bago ko narealize na pwede namang ilagay ang handcarry bags ko sa isang trolley para ndi naman ako mapagod ng bongga.
2. nameet ko si josh.
>>> hindi ako sure kung josh ang name nya. hehehe. basta alam ko binati sya nung friend nya ng happy birthday. e magkatabi kami sa eroplano. so nakibati na din ako. hayun na. new friend. sana itext nya ako. nalimutan ko talga ang name nya. :)
3. nadapa ako pagpasok na pagpasok ko pa lang ng pinto ng bahay namin.
>>> may harang na kasi. na mababa lang. hindi mo mapapansin. madadapa ka na lang. panira ng moment. tumatakbo pa ako non at sumisigaw ng "maaaamaaaa"... sabay... hayun... sablay. nadapa. ouch. hehehe. pati yung dalawang pinsan ko. nadapa din. panira talga ng moment.
4. nagpahighlights ako ng her.
>>> wala lang ito alam ko. kaso sa buong buhay ko ngayon ko lang ito ginawa. me halong mocha na ang buhok ko. hindi ako sanay.
5. wala na si mommy velayo. :(
>>> ang mommy ng FSA. FSA ay choir ko for so many years noong unang panahon na bata pa ako... at pagkatapos kong maglaho sa buhay nila, noon gabi na yon lang ako ulet nagpakita. kasi wala na si mommy... :(
6. maganda ang boses ng kapatid ko! :)
>>> akala ko, ako lang ang gifted sa pamilya namin. ;) nagkamali ako. ang pogi ng boses ng kapatid ko. hindi ko sinasabi ito dahil kadugo ko sha. haler. ako pa? pagdating sa kanta, sinasabi ko pag wala ka sa tono o kung so so lang ang boses mo o kung me future ka. at me future ang kapatid ko hehehe. kung sana lang hindi sha mahiyain diba? at kung bakit ngayon ko lang ito nalaman. sana noon pa. pwede pa ko maging stage sister? hehehe... ang daya nga e. binayaran sha ni mama ng 1thou para lang kumanta. 4 na kanta lang! samantalang ako dati, 700 lang bayad sa kin para kumanta ng 3 set sa isang gabi. tsk tsk tsk. mga nanay talga. hehehehe
7. absence makes the heart grow fonder.
>>> check ito! sobrang na appreciate ko at namiss ng bongga ang pamilya ko... ayaw ko na nga bumalik dito e. kaso... wagi ang sweldo dito. hehehe. kelangan pang kumayod.
sana december na. para uwian ulet. :)
No comments:
Post a Comment