2nd attempt ko ng chicken menudo... or kilala sa pangalang afritada hehehe... at sad to say hindi sha kulay orange ngayon. dark brown ito! waaaaaa anong maling ginawa ko kaya? hmmm sobra sa toyo? yung unang attempt ko eh nasa tabi ko ang housemate ko. si jen. kung mag aasawa man ako ay dapat pasalamatan nya din si jen. kasi natuto akong magluto dahil ke jen. hehehe. well kung wala man akong pag asa matuto... maghanap na lang ako ng lalaking magaling magluto... (meron pa kayang ganong species?)
anyways, eto ang listahan ng mga napagtripan kong lutuin.. by choice at no choice at all:
1. tuna na may asparagus/ young corn / potato
unang una kong niluto yan dito sa sg. kausap si mama sa telepono habang tinatanong sa kanya kung pano malalaman kung luto na ang tuna at ang mga gulay? hehehe. edible naman sha. madalas na ito ang lutuin ko. pag wala na akong pera maggrocery. buksan ko lang ang cabinet ko na laging me stock ng tuna in can plus bili ng kahit anong gulay. mura lang naman yong gulay. barya lang. so yun. pag nag ask ang housemates ko ng "anong niluluto mo?" at ang sagot ko ay "the usual" e malamang sa malamang, tuna with other stuff lang ang napagtripan kong lutuin ng mga panahon na yon.
2. chicken / pork adobo
first attempt. soooooobrang alat. pwede ko nang gawing asin ang sabaw nito. pero edible naman. kinain ko. sayang eh.
second attempt. nasunog! bwahahaha. tinatry kasi naming mag evaporate ang maraming toyo at sukang nilagay ko. tapos nakalimutan ko. ayun. mejo nasunog. buti na lang andon si jen. me nakain pa ako dito kahit papano. wirdo din daw ako kasi walang bawang ang adobo ko. i hate bawang. hehehe so matatawag pa bang adobo ang adobo ko gayong wala itong bawang? wachutink?
third attempt. mejo maalat na lang. 4th attempt. hindi ko na matandaan. pero yung huling attempt ko, nilagyan ko ng sugar. naglasang pata tim. hehehe. pero nasasarapan na ako. hindi ko lang talga sure kung adobo pa din ang tawag don e. heehe
3. pork giniling (aka giniling na pork menudo ;) obyus bang peyborit ko ang menudo? hehehe)
eto feeling ko first attempt perfect na hehehe. dami ko nga nakain non e. pero kasi nung niluto ko ito. nasa tabi ko ulet si jen.
4. piniritong tilapia at ginisang sayote with giniling.
sarap no? eto, naprito ko naman successfully ang tilapia. ganda ng kawali ko e. teflon. kaso pinapatay ko ang apoy kapag ibabaliktad ko na si fish. katakot eh! baka talsikan ako. ouch yun. at ang ginisang sayote? ayan... una si dax ang nagtuturo sa akin. kaso napikon. walang patience! si obet naman ang sumunod. sinabi na nyang wag kong lagyan ng tubig dahil kusa nang magtutubig ang gulay e siguro mga sampung beses ko shang tinanong. kasi nagwoworry ako masunog ung gulay! hehehe. anyways, shempre nasarapan ako ulet sa luto ko. sabi ni dax at jen, ayos naman ang lasa nya.
5. chicken menudo or kilala sa pangalang afritada.
bawal kasi akong magpork. kasi u know nakakahayblad yun. so sabi ko chix na lang na walang balat. ang kokorni ng chicken adobo at chicken menudo ko no? walang balat. anyways gaya ng sabi ko kanina, first attempt masarap. andon kasi si jen. nililigtas nya ang lasa ng chicken menudo ko. pero ngayon. second attempt ko. eto na kinakain ko na. at ang masasabi ko lang ay.. pwede na. at least iba sa lasa ng adobo. at hindi maalat. at hindi sya sunog.
pwede na yon diba? :P
No comments:
Post a Comment