kung may tono ang buhay ko ngayon...
malamang, patok sa akin ang mga makatulo luhang himig.
kung hindi man...
pili ka ng kanta na paulit ulit..
yung nakakasawa.
minsan maganda,
kaya lang nakakasawa na talga.
oo. parang ganon.
ganon ngayon ang pakiramdam ko.
parang ganon ngayon ang buhay ko.
kaya minsan
ayoko nang sumulat.
wala kasing bago.
isa akong malaking nega star.
ang hirap.
ang hirap humanap ng dahilan
para ngumiti.
mailap.
mailap ang mga pangarap.
kahit na libre pa yan.
No comments:
Post a Comment